Psalm 120
Tagalog: Ang Dating Biblia
1Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon, at sinagot niya ako.

2Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi, at mula sa magdarayang dila.

3Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo, ikaw na magdarayang dila?

4Mga hasang pana ng makapangyarihan, at mga baga ng enebro.

5Sa aba ko, na nakikipamayan sa Mesech, na tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar!

6Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan.

7Ako'y sa kapayapaan: nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.



Ang Dating Biblia -- Philippines Bible Society (1905), Tagalog (Philippines National Language) -- Bible is Recognized by its Title (Ang Biblia) or (Ang Dating Biblia) -- Typed From the Ang Biblia Tagalog, by Richard und Dolores Long. -- This Bible is now Public Domain.

Bible Hub

Psalm 119
Top of Page
Top of Page