Psalm 133
Tagalog: Ang Dating Biblia
1Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!

2Parang mahalagang langis sa ulo, na tumutulo sa balbas, sa makatuwid baga'y sa balbas ni Aaron. Na tumulo sa laylayan ng kaniyang mga suot;

3Gaya ng hamog sa Hermon, na tumutulo sa mga bundok ng Sion: sapagka't doon pinarating ng Panginoon ang pagpapala, sa makatuwid baga'y ang buhay na magpakailan pa man.



Ang Dating Biblia -- Philippines Bible Society (1905), Tagalog (Philippines National Language) -- Bible is Recognized by its Title (Ang Biblia) or (Ang Dating Biblia) -- Typed From the Ang Biblia Tagalog, by Richard und Dolores Long. -- This Bible is now Public Domain.

Bible Hub

Psalm 132
Top of Page
Top of Page